December 27, 2022
TGI Friday’s – 12:00
Tuesday afternoons usually ang appointments namin sa OB. Nagla-lunch muna kami somewhere bago pumunta sa clinic. This time, sa TGI Friday’s namin naisipan kumain. Last time na kumain kami rito, hindi namin nagustuhan yung in-order namin tapos sumakit pa tyan ko. Pero swerte nung araw na ‘to, sobrang na-enjoy namin yung food.
Clinic – 14:30
Regular check up lang supposedly pero this it na pala. 37 weeks & 2 days pregnant na ako nun kaya nakaready na hospital bags namin sa sasakyan. Pero nung sinabi ni doc na isi-CS na ako today or tomorrow, shookt pa rin kami. Nanginginig na ako sa kaba.
Ayaw na namin patagalin yung kaba kaya nag-decide kami na same day na lang. Tinawagan na namin parents namin bago kami tumuloy sa hospital.
Hospital, Labor & Delivery Room – 16:30
Pagdating namin sa hospital, pinagpalit ako ng hospital gown tapos sinalang na para tignan vitals namin ni baby. Daming nangyari. May nag-administer ng gamot, take ng antigen test, nagdiscuss at nagpa-sign ng forms.
Hindi ko alam na after initial check, hindi na pala ako uli lalabas hanggang matapos surgery. Kaya ni-request ko sa nurse na sabihan si Kix na pumasok saglit para makapagpaalam ako maayos.
Wala akong hawak na phone pero parang ang bilis ng oras, papasok na ako sa OR.
Operating Room – 18:00
Ang surreal sa feeling nung pagdala sa akin saka nung nasa loob na ako ng OR. Feeling Grey’s Anatomy. First time ko maoperahan. Hindi nagsimula agad kaya naramdaman ko yung ngalay sa bigat ng tyan ko. Nag-request ako na tumagilid. Sakto pala, kasi ganun na rin pwesto ko kapag tuturukan ng anesthesia.
Pinaka-challenging na part yung effect ng anesthesia. Parang hindi ako makahinga tapos nagsuka pa ako. Eventually, guminhawa naman pakiramdam ko. Nagchi-chills na lang. Kaya fully aware ako nung lumabas na si Lili. Narinig ko iyak niya. Sa isip isip ko, wow, eto na yun.
Saglit lang si Lili sa OR, dinala din siya agad sa nursery. Ako naman, tatahiin pa. Mas matagal yung pag-close na part, as expected. Naalala ko, naiinip na ako kasi nagiging uncomfortable na yung feeling.
Recovery Room – 20:00
Dito muna ako for two hours after surgery. Nginig fest pa rin ako. Nafi-feel ko nang nagwe-wear off yung anesthesia. Ginagalaw-galaw ko na legs ko para hindi ako mahirapan later on. Dinala ni doc si Lili para makita ko uli bago ako pumunta sa room ko.
Patient’s Room – 22:20
Pagkadating ko sa room, wala pa si Kix kasi namili siya ng stuff for Lili. Pero iniwan niya phone ko para makapagcheck ako ng messages at makapag-update. Yun na pala pinakamatagal na hindi ko katabi phone ko. Hahahaha
May hinanda pa kaming banners for Lili pero hindi pala namin siya maru-room in. Akala tuloy ng mga pumapasok sa room, ako yung may birthday.
December 28, 2022
12:18
Sinubukan ko na umupo kasi sabi nila, the sooner na makatayo ako, the better.
05:30
Hindi ako makatulog. Iniisip ko si Lili. Plus may adrenaline pa atang natira sa akin.
14:00
Tinanggal na catheter ko so sinubukan ko na tumayo para mag-CR. Hindi kasi ako madi-discharge hangga’t ‘di pa ako nakakadumi kaya ginalingan ko talaga. Dito pa lang pala ako makakaire. 😆
18:17
Hindi pa rin namin kasama si Lili kaya tinanggap na lang namin at natulog nang magkatabi sa hospital bed. Yun na pala huli naming uninterrupted sleep. Nasulit naman.
December 29, 2022
07:19
Naghilamos at nag-eyeliner ako para presentable naman kahit papaano.
10:00
Dumating na ang mga sundo namin, sabik na first time grandparents.
Nursery – 10:50
Sinilip namin si Lili sa nursery kasi hindi pa kami makauwi.
15:56
Natapos din ang mga kailangang ayusin sa admin na bayarin at forms, sa wakas. First time ding nahawakan at nabuhat ni Kix si Lili.
Home – 17:27
Nakauwi na!
iyak na naman aq
happy mother’s day, Raei! you’re doing great 💞
thank you lhela 🥹